Labels: , ,

Batong Pagkatao


'Andito ka din pala!'


"Ikaw pala yan? Teka bakit nandito ka din?"


'Alam mo ba kung nasaan tayo? Eto ba ang tinatawag nilang langit?'


"Langit?? Asa ka! Kahit kelan di ka makakarating dun! Ni utot mo hindi hahayaang makarating sa langit. Sa sama mong yan?"


'Hindi mo pa din pa la na limutan? Hulaan ko kung bakit andito ka din? Dahil hindi ka marunong magpatawad at lumimot.'


"Bakit mo alam? Diyos ka na ba ngayon?"


'Kahit limang taong gulang na bata kaya kang basahin.'


"Aaahhh... Eh ikaw alam mo ba kung bakit ka nandito??"


'..........'


"ayuuuun!di mo masabi no? mahirap kasi sabihin ang sariling pagkakamali. Mahirap aminin... Mahirap sabihin..."


'...........'


"Naalala ko pa kung paano mo maliitin ang pagkatao ng mga nakapaligid sayo. Lahat sila may pagkakamali. Halos buong pagkatao nila eh tinuturing mong pagkakamali."


'...........'


"Nilamon ka ng sarili mong pagkatao. Sarado ang isip. Nilamon ka ng kayamanan mo. Kinain ka ng buong buo."


'...........'


"Ano magsalita ka! Tama naman diba?? Masaya ka pag nakikita mo ang pagbagsak ng ibang tao. Gigil na gigil ka pag Na uunahan ka sa ibang aspeto. Ni minsan hindi mo nakuhang maging masaya para sa kanila. Akala ko dati pinsan mo si satanas. Mali ako. Kapatid mo pala sya."


'......Ayan ang masama sa inyong mahirap eh. Pag pinagbigyan kayo umaabuso kayo. Pag tinigilan kayong tulungan nag ngingitngit kayo sa galit.'


"Ayan ang mahirap sa inyong mayayaman. Pag utang na loob na ang sumbatan hindi kayo nauubusan. Kahit kaunting tulong kailangan nyong ipamukha? Isang kilong bigas. Utang na loob na ang tingin nyo doon. Kung kaya lang iluwa ng pamilya ko ang isang kilong bigas eh ibabalik ko sayo ng buong buo.! Naka plastik pa!"


'....... tumigil ka na...'


"Sinasabi ko lang ang lahat para malaman mong sa kamatayan iisa lang din ang patutunguhan natin. Madaling sabihing ang mga bagay bagay tungkol sa pagpapatawad. Pag sinabi ko bang pinapatawad na kita ngayon eh maniniwala ka?"


'Oo.. Siguro?' 


"Ang hirap paniwalaan no? Para ka lang nag alok ng juice na labag sa loob mo. Matabang at wala ng lamig. Yung tipong may maibigay lang? Yung parang kayong mayayaman. Pakitang tao lang??"


'Alam mo kung nabibili lang ang pagpapatawad baka kanina pa kita ni libre. Nabibingi na ako. Sige ako na!!! Ako na masama!!! Hehehe! Andito naman na tayo pareho eh. Pantay lang :D'


"Ulol!"

No comments:

Post a Comment