Labels: , , , ,

On RH Bill

Hanggang ngayon ay mainit parin ang usaping RH Bill. Alam naman natin na halos hati ang opinyon nang ating kapwa Pilipino pag dating sa napaka as in napaka mahalagang issue na ito. Merong mga nagsasabing "Oo" kailangan maipasa ang RH Bill dahil tulad ng tiyan ng asawa nyang tambay ay patuloy parin sa paglobo ang populasyon natin. Andyan naman ang mga nagsasabing "Hindi"  hindi daw kailangan RH Bill dahil bukod magagalit ang Diyos ay mapupunta lang daw sa bulsa ng mga naka-upo sa gobyerno ang ibang pondo para sa RH Bill. At pahuhuli ba naman ang mga nabayaran lang? Oo. Sila yung nagsasabing "Hindi" at pag sinundan mo ng tanong na bakit hindi ay wala na silang iba pang masasabi "basta hindi".

Ayon sa hindi masyadong mapagkakatiwalaang survey; 30% ang boto sa RH Bill, 50% ang hindi boto at 20% ang nahirapang mag desisyon. Sa mga taong nakausap 50% ang nakaka angat sa buhay at 50% naman ang kapos palad.

Marahil kakulangan patungkol sa nasabing issue ang dahilan kung bakit may ibang mga Pilipino ang nahirapang mag desisyon patungkol sa issue at ang iba ay marahil nahirapang mag isip dahil sila ay gutom.

Ngunit ano nga ba ang nararap na maging desisyon para sa isyung ito? Ano ang magiging epekto kung sakaling kontrolin natin ang tuluyang pag lobo ng ating populasyon.

Kung si Senator Enrile ang ating tatanungin:

Ang pinakamalaking export natin is OFW (overseas Filipino workers). Export iyan eh, kaya ako kontra ako sa RH dahil diyan. Ang magpapalago ng bansa natin ay iyong excess population natin na sinanay natin na tumatanggap ng mga trabaho abroad that others don’t want to handle. We have to accept that. Korea started that way.”

Hindi ko kinaya ang punto ni Sen. Enrile. Ang lagay ba ay ibang bansa na ang makikinabang sa galing ng mga Pilipino? Kailangan manganak ng manganak para hindi maubusan ng DH na ipapadala sa Middle East? Hindi sa minamaliit ko ang trabaho ng isang DH o ng isang OFW. Saludo ako sa kanila dahil naaatim nilang iwan ang kanilang mga pamilya dito sa pinas para lamang makahanap ng ikabubuhay sa ibang bansa. Pero sana man lang ay taasan nila ang tingin nila sa kapwa nila Pilipino at sana man lang ay unahin nating paglingkuran ang Pilipinas.


Naniniwala ako na kahit saang larangan ay kayang kaya nating magpakitang gilas. Pero utang na loob, tama naman na sa magagaling umawit at pag pipilit maisali sa Guinness World Records. Walang patutunguhan ang pagpunta sa grandstand para sa pinakamaraming taong naghalikan sa kalsada, o ang pinaka mahabang inihaw na sunog na bangus. Kayang kaya nating humulma ng magagaling sa larangan ng teknolohiya, agham at agricultura.



 Minsan mapapaisip tayo, bakit ba ayaw nila sa RH Bill? Dahil ba concern sila sa manpower ng pinas o dahil wala na silang makukuhang embryonic stem cell para sa kanilang pagpapa-bata. Pero malay natin diba? Malay natin...


Echos!

Love! Love! Love!






No comments:

Post a Comment