Apotheosis of Homer

“This is part of what it means to be a God, that You are a general principal of Being, instantiated throughout all of Being.”

Genetics

"Genetics is about how information is stored and transmitted between generations. "

Nature

"Come forth into the light of things, let nature be your teacher. "

Universe

"Once you make a decision, the universe conspires to make it happen."

Humanity

"Humanity has the stars in its future, and that future is too important to be lost under the burden of juvenile folly and ignorant superstition. "

Labels: , , ,

Ate Charo 01

Dear Ate Charo,

Magandang gabi sa iyo, ate charo. Andito po ako upang ikwento ang aking pinagdaanan ngayong araw na ito. Sa totoo lang po, halo-halo ang aking naramdaman.

May mga pag kakataon po talaga na i feel so sad, minsan masaya, minsan na i-erna. Ate charo, magulo pero alam kong hindi kumpleto ang araw ko kung isa lamang sa mga yan ang akin naramdaman. 5 am ng ako ay magising upang maglalakad sa bakuran at magpakain ng mga alaga kong Koi. Doon ko naramdaman ang lungkot, ate charo. Hirap na hirap ako bumangon sa aking  Baldacchino Supreme, marahil dala ito ng katandaan o di naman kaya ay dahil sa dekorasyon ng kama ko na may 107 kg of 24k gold at ang sapin ay made from finest Italian silk and cotton. Sabi ko kay inay nung una palang na wag na bilhin, okay naman akong mahiga sa pera. Baka ipa-raffle ko na lang yang kama na yan. She's so kulit talaga.

Before akong lumabas sa garden ay kinailangan ko munang maghugas ng kamay sa aking rock crystal sink, ate charo. Habang naglalakad ako papunta sa aking cr, may napansin akong kakaiba sa sahig, nakakalat nanaman ang mga diyamante. Malamang kalat nanaman ito ng mga kapatid ko na naglaro ng sungka kagabi. Pero nasaan ba si yaya?  Di man lang nya nilinis 'to. My goodness, ate charo! Kay aga aga kong nainis. I hate it! Kung sana tinanggap nalang kita noong nag apply ka sa akin bilang kasambahay, malamang hindi ako naiinis ng ganito ngayon. Eyniwey, inignore ko na lang ang mga diyamanteng nakakakalat sa sahig and I gracefully ran papunta sa cr. Ate charo, you won't believe it! Basa ang aking sink! I mean may someone na gumamit ng aking cr. Hindi ko na kinaya, sumabog ako na parang confetti sa party. 

Nagpatawag ako ng emergency meeting, kasama ang mga kaibigan kong sina Henry Sy, Lucio Tan at Beatrice Campos para mag bigay ng moral support sa akin.  Pumasok ako sa meeting room suot ang aking diamond frock dress at kitang kita ko ang inggit sa mga mata ni Rosalinda Baldoz, DOLE Sec. at taga pag tanggol ni yaya.

Mga 2 oras nagtagal ang aming meeting. Matapos ang kanya kanyang opinyon tungkol sa iba't ibang issue tulad ng pag lakas ng piso laban sa dolyar at kung gaano kaalat ang clover bits, napag desisyonan namin na ipa general check up si yaya. Lahat ng test pinagawa ko sa doctor, ate charo. Pina CAT scan, MRI, X-ray, CBC, Mammogram, Fecalysis, Urinalysis, HIV, Drug Test  at Comprehensive exam. Pero para makasigurong ligtas at maliksi si inday ay pinag dagdagan ko pa ang test na ginawa sa kanya pinacheck ko sya for Malaria, Schilling Test, Sex Hormone Test, Ebola virus disease, rabies, etc.

Ilang linggo din ang kailangan naming hintayin, ate charo. Sana lang maayos ang resulta, gusto ko pa makasama ng matagal si yaya. Pag nawala sya, sino na lang ang maghahanda ng mga diyamanteng ipapakain ko sa mga koi, ate charo? Gulong gulo ako ngayon. Di ko alam ang gagawin. 

Ibabahagi ko sa iyo ang resulta ng mga exams ni yaya sa aking susunod na pagsulat.

Nagmamahal,
Madame Claudia


P.S.

Sana gawin mong TV Series ang kwento ni inday. Mga 3 episode per season para masabik ang mga tao. Thank you!

0 comments
Labels: ,

Magandang araw, kaibigang oso!


Nag de-activate ako ng facebook dahil bukod sa nasusuya na akong makakita ng edited na mukha sa aking feeds, eh gusto ko muna ihawalay ang sarili ko mula sa mga iilang tao. (Yes! Bilang na bilang sila. Chos!)

Ilang buwan na rin akong emotionally stressed, nag simula ito ng makita ko ang pagbabagong anyo ni Charice. Mula sa pagiging isang normal na bata ay unti unti na syang nag mumukhang miyembro ng dragonball Z. Feeling ko tuloy na baboy ang Theory of Evolution. Sorry, Darwin!

Kaya ginawa ko ang blog na ito bukod sa ibahagi ang pagbabago ng genetic code ni Charice, ay maibahagi ko sa inyo (kahit wala kayong paki-alam) ang iba't-ibang kagaguhan ko sa buhay. 

Aylabyu ol! Mwuah!

0 comments
Labels: , ,

Ang Baraha ng Kapalaran


  Bukod sa makipag daldalan kay Sen. Miriam Santiago, isa sa aking mga pangarap ay ang matututong alamin ang tadhana gamit ang Tarot Card. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga manghuhula sa Quiapo, pero mukhang mas magandang mag pamasahe na lang sa kanila. At dahil hindi ko alam kung saan ba makakabili ng tarot card o sino ang pwedeng magbigay nito sa akin, pinatulan ko ang isang online-tarot-reading.




The Hermit

How you feel about yourself now?

You may be feeling lonely at this time or going through a period of introspection. If you are struggling to find answers to your questions give it time, they will come. This is a time for prudence and patience.  If you have been unwell this is a time for rest and recuperation.







Judgement

What you most want at this moment?

The cards suggest that what you most want at this time is a new start, to close this chapter in your life and have a brand new beginning. This is not a time for regret but for rejoicing. Rewards for past efforts will follow and you are sure to have many opportunities presented to you. Life will pick up a pace and the choices you make will have far reaching implications that could change your life dramatically. Any legal issues should be ruled in your favor.






The Tower

Your fears


You are afraid your world is falling apart, you're experiencing sudden changes and disruption and you don't quite know what to do. Perhaps subconsciously you've wanted a solution to an issue but didn't quite expect things to have turned out as they have. Use this change as an opportunity for a new beginning. If you have been planning to move home you will be experiencing setbacks.
 

Temperance
What is going for you

You are about to enter a period of peace and harmony in your relationship, career or life generally. You will find a way of handling difficult circumstances with calm confidence. Life is flowing at this time enjoy it.



The Empress

  1. What is going against you

There are conflicts around you, frustrations and possibly a break up in a relationship. Be careful not to over-react and be too protective or dictatorial about your needs, and whatever you do, do not resort to emotional blackmail, it won't do you any favours. You may be experiencing infertility problems or an unplanned pregnancy, if so just know that there are people around you who love and care for you and will provide support.




The Hanged Man

Outcome 

You will in time know what decision to make about who or what must be given up. This is a time of passage from one phase of your life to another. It may be a difficult choice, and self-sacrifice is never easy, but if you look for truth and integrity and don't be too materialistic or hang onto things or people for all the wrong reasons, everything will turn out in your favour.



Ayokong isipin na kasabwat ang nanay ko sa mga kasagutan na lumabas sa mga barahang ito. Halos lahat sila tama. Ang sakit, sagad hanggang nucleus.

May iba sa atin, maganda ang sinasabi ng kanilang baraha patungkol sa kanilang kinabukasan. May iba namang hindi masyadong maganda Pero sa bandang huli sayo pa din nakasalalay ang iyong kinabukasan. Hindi por que sinabi ng baraha mo na hindi magiging maganda ang kinabukasan mo at magiging pandesal ang lima mong kapatid eh dapat mo itong paniwalaan.

Halos lahat naman sa atin nag aasam ng pagbabago. Halos lahat gusto ang kanilang ikabubuti.

Kaya kapatid, push lang ng push! Go for the gold!

Tandaan mo:

"Hindi hawak ng mga baraha ang iyong kapalaran. Pwede kang mag tong-its, kung mas ikasasaya mo ito."







0 comments
Labels: , , , ,

On RH Bill

Hanggang ngayon ay mainit parin ang usaping RH Bill. Alam naman natin na halos hati ang opinyon nang ating kapwa Pilipino pag dating sa napaka as in napaka mahalagang issue na ito. Merong mga nagsasabing "Oo" kailangan maipasa ang RH Bill dahil tulad ng tiyan ng asawa nyang tambay ay patuloy parin sa paglobo ang populasyon natin. Andyan naman ang mga nagsasabing "Hindi"  hindi daw kailangan RH Bill dahil bukod magagalit ang Diyos ay mapupunta lang daw sa bulsa ng mga naka-upo sa gobyerno ang ibang pondo para sa RH Bill. At pahuhuli ba naman ang mga nabayaran lang? Oo. Sila yung nagsasabing "Hindi" at pag sinundan mo ng tanong na bakit hindi ay wala na silang iba pang masasabi "basta hindi".

Ayon sa hindi masyadong mapagkakatiwalaang survey; 30% ang boto sa RH Bill, 50% ang hindi boto at 20% ang nahirapang mag desisyon. Sa mga taong nakausap 50% ang nakaka angat sa buhay at 50% naman ang kapos palad.

Marahil kakulangan patungkol sa nasabing issue ang dahilan kung bakit may ibang mga Pilipino ang nahirapang mag desisyon patungkol sa issue at ang iba ay marahil nahirapang mag isip dahil sila ay gutom.

Ngunit ano nga ba ang nararap na maging desisyon para sa isyung ito? Ano ang magiging epekto kung sakaling kontrolin natin ang tuluyang pag lobo ng ating populasyon.

Kung si Senator Enrile ang ating tatanungin:

Ang pinakamalaking export natin is OFW (overseas Filipino workers). Export iyan eh, kaya ako kontra ako sa RH dahil diyan. Ang magpapalago ng bansa natin ay iyong excess population natin na sinanay natin na tumatanggap ng mga trabaho abroad that others don’t want to handle. We have to accept that. Korea started that way.”

Hindi ko kinaya ang punto ni Sen. Enrile. Ang lagay ba ay ibang bansa na ang makikinabang sa galing ng mga Pilipino? Kailangan manganak ng manganak para hindi maubusan ng DH na ipapadala sa Middle East? Hindi sa minamaliit ko ang trabaho ng isang DH o ng isang OFW. Saludo ako sa kanila dahil naaatim nilang iwan ang kanilang mga pamilya dito sa pinas para lamang makahanap ng ikabubuhay sa ibang bansa. Pero sana man lang ay taasan nila ang tingin nila sa kapwa nila Pilipino at sana man lang ay unahin nating paglingkuran ang Pilipinas.


Naniniwala ako na kahit saang larangan ay kayang kaya nating magpakitang gilas. Pero utang na loob, tama naman na sa magagaling umawit at pag pipilit maisali sa Guinness World Records. Walang patutunguhan ang pagpunta sa grandstand para sa pinakamaraming taong naghalikan sa kalsada, o ang pinaka mahabang inihaw na sunog na bangus. Kayang kaya nating humulma ng magagaling sa larangan ng teknolohiya, agham at agricultura.


 Minsan mapapaisip tayo, bakit ba ayaw nila sa RH Bill? Dahil ba concern sila sa manpower ng pinas o dahil wala na silang makukuhang embryonic stem cell para sa kanilang pagpapa-bata. Pero malay natin diba? Malay natin...


Echos!

Love! Love! Love!






0 comments
Labels: , ,

Batong Pagkatao


'Andito ka din pala!'


"Ikaw pala yan? Teka bakit nandito ka din?"


'Alam mo ba kung nasaan tayo? Eto ba ang tinatawag nilang langit?'


"Langit?? Asa ka! Kahit kelan di ka makakarating dun! Ni utot mo hindi hahayaang makarating sa langit. Sa sama mong yan?"


'Hindi mo pa din pa la na limutan? Hulaan ko kung bakit andito ka din? Dahil hindi ka marunong magpatawad at lumimot.'


"Bakit mo alam? Diyos ka na ba ngayon?"


'Kahit limang taong gulang na bata kaya kang basahin.'


"Aaahhh... Eh ikaw alam mo ba kung bakit ka nandito??"


'..........'


"ayuuuun!di mo masabi no? mahirap kasi sabihin ang sariling pagkakamali. Mahirap aminin... Mahirap sabihin..."


'...........'


"Naalala ko pa kung paano mo maliitin ang pagkatao ng mga nakapaligid sayo. Lahat sila may pagkakamali. Halos buong pagkatao nila eh tinuturing mong pagkakamali."


'...........'


"Nilamon ka ng sarili mong pagkatao. Sarado ang isip. Nilamon ka ng kayamanan mo. Kinain ka ng buong buo."


'...........'


"Ano magsalita ka! Tama naman diba?? Masaya ka pag nakikita mo ang pagbagsak ng ibang tao. Gigil na gigil ka pag Na uunahan ka sa ibang aspeto. Ni minsan hindi mo nakuhang maging masaya para sa kanila. Akala ko dati pinsan mo si satanas. Mali ako. Kapatid mo pala sya."


'......Ayan ang masama sa inyong mahirap eh. Pag pinagbigyan kayo umaabuso kayo. Pag tinigilan kayong tulungan nag ngingitngit kayo sa galit.'


"Ayan ang mahirap sa inyong mayayaman. Pag utang na loob na ang sumbatan hindi kayo nauubusan. Kahit kaunting tulong kailangan nyong ipamukha? Isang kilong bigas. Utang na loob na ang tingin nyo doon. Kung kaya lang iluwa ng pamilya ko ang isang kilong bigas eh ibabalik ko sayo ng buong buo.! Naka plastik pa!"


'....... tumigil ka na...'


"Sinasabi ko lang ang lahat para malaman mong sa kamatayan iisa lang din ang patutunguhan natin. Madaling sabihing ang mga bagay bagay tungkol sa pagpapatawad. Pag sinabi ko bang pinapatawad na kita ngayon eh maniniwala ka?"


'Oo.. Siguro?' 


"Ang hirap paniwalaan no? Para ka lang nag alok ng juice na labag sa loob mo. Matabang at wala ng lamig. Yung tipong may maibigay lang? Yung parang kayong mayayaman. Pakitang tao lang??"


'Alam mo kung nabibili lang ang pagpapatawad baka kanina pa kita ni libre. Nabibingi na ako. Sige ako na!!! Ako na masama!!! Hehehe! Andito naman na tayo pareho eh. Pantay lang :D'


"Ulol!"

0 comments